^

Metro

‘POGO babies’ sasaklolohan ng PAOCC, DSWD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz na tutulungan nila ang 24 na “POGO babies” o mga sanggol na anak ng mga dayuhang nagtrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na naiwan sa bansa.

Ayon kay Cruz nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulungan ang mga ina ng POGO babies matapos na madeport ang mga dayuhang ama.

“Siyempre ho, kaila­ngan mabuhay, magkaroon ng kabuhayan iyong pamilya o nanay para naman ipantustos sa pagpapalaki sa bata. Iyon tinitingnan natin kaya nakikipag-coordinate na tayo sa DSWD,” ani Cruz.

Sa ngayon aniya ay suportado ng PAOCC ang 24 na POGO babies sa kanilang pangangaila­ngan pati sa pampaospital kapag mayroong sakit ang mga ito pero hindi aniya pupuwedeng panghabang panahon na tulungan ang mga ito kaya kailangan ang aksiyon ng DSWD.

“Hindi naman ho puwedeng puro ganon ang gagawin natin, puro suporta pagdating sa panggatas, pang-pampers at saka iyong pambayad sa renta,” dagdag ni Cruz.

Sa record ng PAOCC, nakapagpadeport na sila ng mga dayuhang POGO worker na tinatayang nasa 250, at mayroon pang mga susunod na ipapadeport sa mga darating na araw.

PAOCC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with