Para sa seguridad sa Kapaskuhan
MANILA, Philippines — Kasama sa ipakakalat sa mga lansangan sa Metro Manila ang mga Philippine National Police (PNP) senior officials ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa komprehensibong tailor-fit security coverage ngayong panahon ng Kapaskuhan, ayon kay NCRPO Acting Director Police Bigadier General Anthony Aberin nitong Biyernes.
“It will be a comprehensive security coverage to respond to all peace and security issues, with senior officials of NCRPO going their rounds to closely supervise the deployment and at the same time, ensure that the welfare of our police officers on the ground is also prioritized,” ani Aberin.
Inatasan din ni Aberin ang lahat ng district directors na tututukan ng mga magagaling na pulis ang mga lugar at kalye upang mai-maiximize ang police visibility upang mapigilan ang anumang krimen at maramdaman ng mga residente at turista ang kaligtasan at seguridad.
Dapat din aniyang i-review ang security assesments, magkaroon ng serye ng simulation at communication exercises upang masubukan ang kahusayan ng pulisya sa pagtugon sa mga emergency at krimen. Tuloy-tuloy rin ang mga operating unit sa paglulunsad ng mga serye at sabay-sabay na operasyon ng pulisya na proactive na nagta-target sa mga kriminal.
Ang seguridad at kaligtasan ng lahat ang magiging pangunahing prayoridad ng NCRPO sa panahon ng Yuletide Season kaya kasamang naka-deploy ang Acting Regional Director, ang command group at ang Regional Staff.
Dagdag ni Aberin, makikipagtulungan ang NCRPO sa mga lokal na pamahalaan at iba pang partner sa seguridad sa layuning makamit ang tahimik at makabuluhang holidays.