Mas mababang pautang sa e-jeepneys, alok ni Manong Chavit

Sa ginanap na Philippine Rural Electric Cooperatives Association Year-End Assessment, Planning, and Thanksgiving sa Manila Hotel nitong Disyembre 11, sinabi ni Manong Chavit sa harap ng daan-daang miyembro ng nasabing asosasyon na magbibigay siya ng pautang ng mas mababang interes para sa e-jeepneys bilang tulong-pinansyal sa mga tsuper at operator na lumipat sa mas ligtas, eco-friendly na mga sasakyan.

MANILA, Philippines — Isa sa mga magandang alok ni senatorial candidate na si dating Ilocos Sur Governor Luis “Manong Chavit” Singson kapag siya ang pina­lad sa 2025 elections ay ang pagsusulong ng kanyang bersyon na jeepney modernization program.

Ito ay bilang tugon sa mga driver at operators na walang kakayahan na makabili ng mga modernong e-jeepneys na pangunahing isyu ngayon sa bansa.

Sa ginanap na Philippine Rural Electric Cooperatives Association Year-End Assessment, Planning, and Thanksgiving sa Manila Hotel nitong Disyembre 11, sinabi ni Manong Chavit sa harap ng daan-daang miyembro ng nasabing asosasyon na magbibigay siya ng pautang ng mas mababang interes para sa e-jeepneys bilang tulong-pinansyal sa mga tsuper at operator na lumipat sa mas ligtas, eco-friendly na mga sasakyan.

Matamang nakipag-usap si Manong Chavit kay National Electrification Administration Administrator Antonio Mariano Almeda at sa ilang miyembro nito sa naturang okasyon. Nais niya na magkaroon ng katuparan ang panukala nitong Chavit500 Universal Basic Income (UBI), na nag-aalok ng buwanang P500 sa bawat Pilipinong kumikita ng mas mababa sa minimum na sahod.

Nag-aalok ang Chavit500 o UBI ng praktikal na solusyon sa mga paghihirap sa pananalapi na kinakaharap ng maraming Pilipino.

Ayon kay Manong Chavit, gusto niya ring ipasa sa Senado ang kanyang mungkaing magkaroon ng mara­ming “free economic zone” sa bansa.

Binalangkas din ni Singson ang mga repormang balak niyang isagawa, tulad ng pagtatayo ng bangko. Sa pamamagitan ng kanyang VBank, isang digital bank ay makapagpadala ng pera nang walang charge.

Show comments