Quezon City LGU ratsada sa Oplan Baklas vs illegal posters
MANILA, Philippines — Pinagbabaklas ng Operation Baklas ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS) ang mga tarpaulin na ilegal na nakakabit sa mga pampublikong lugar o sa labas ng designated common poster areas sa lungsod.
Ito ay alinsunod na rin sa City Ordinance No. SP-2021 S-2010 kung saan ipinagbabawal ang paglalagay ng streamers, tarpaulin, tin plate, sticker, pamphlets, decal, printed notices, signboard, billboard, at iba pang uri ng advertising paraphernalia sa mga hindi otorisadong lugar.
Layon ng ordinansa na masigurong maayos at sistematiko ang paglalagay ng mga tarpaulin at maiwasan na rin ang kalat lalo sa mga pampublikong lugar.
Hinikayat naman ng LGU ang publiko na tumawag sa Helpline 122 para isumbong ang mga iligal na nakapaskil na lungsod.
- Latest