MANILA, Philippines — Siyam katao ang nagtamo ng mga lapnos sa katawan sa magkahiwalay na sunog sa Quezon City.
Batay sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), apat katao, dalawa dito ay babae ang sugatan sa sunog na naganap sa dating ACT Theater na matatag-
puan sa kanto ng Aurora Boulevard at EDSA sa Brgy. Socorro sa lungsod, dakong alas-6:26 nitong Huwebes ng umaga na umabot sa unang alarma.
Nakontrol ang sunog dakong alas-8:09 ng umaga at naapula dakong alas-11:05 ng umaga, ayon sa BFP.
Ilang tindahan ng ukay-ukay sa unang palapag ng gusali ang kabilang din sa mga natupok ng apoy.
Samantala, hindi naman bababa sa limang katao ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Brgy. Tandang Sora nitong
Miyerkules ng gabi.
Tinupok ng apoy ang nasa 18 bahay na gawa sa light materials sa kahabaan ng General Avenue.
Ayon sa arson investigators, nagsimula ang sunog dakong alas-11:09 ng gabi at umabot sa unang alarma bago naapula bandang 12:11 ng madaling araw.
Sinabi ni Chief Inspector Marvin Mari, ang chief operations officer ng Quezon City fire district, nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na shanty.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa naganap na dalawang sunog.