2K pulis, ikakalat ng QCPD sa Simbang Gabi
MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa Lunes, nasa 2,000 pulis na ng Quezon City Police District (QCPD) ang nakakalat iba’t ibang mga simbahan.
Ayon kay QCPD Spokesperson Police Capt.Febie Madrid, bahagi ito ng kanilang security measures kung saan inaasahan ang dagsa ng mga magsisimba sa unang araw ng Simbang Gabi.
Ani Madrid, malaking tulong pa rin ang police visibility sa mga pagdiriwang o anumang okasyon.
Bukod sa mga simbahan, ikakalat din ang mga pulis sa mga matataong lugar tulad ng mga malls, bus terminal, at major thoroughfares sa Quezon City.
Maglalagay din aniya ang QCPD ng Police Assistance Desk sa mga strategic locations upang mabilis na makaresponde ang mga Kapulisan sa anumang emergency.
Dagdag pa ni Madrid, mayroon ding mga Police personnel ang magsasagawa ng monitoring sa mga subdivision lalo na sa mga bahay na naiiwang walang tao dahil nakabakasyon ngayong holiday season.
Payo ni Madrid sa publiko, maging maingat din at alerto ngayong Holiday Season.
- Latest