P12.9 milyong illegal drugs nasabat sa Pasay post office

Ayon sa mga awtoridad, ang mga parcel na nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ay naglalaman ng high-grade marijuana o kush, at ecstasy tablets.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P12.9 milyon halaga ng iligal na droga na nakapangalan sa iba’t ibang consignee, sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga parcel na nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ay naglalaman ng high-grade marijuana o kush, at ecstasy tablets.

Nadiskubre nitong Disyembre 5 ang nasa kabuuang 7,791 gramo ng kush at 1,229 piraso ng ecstasy sa mga parcels na nagmula naman sa iba’t-ibang bansa.

Mahaharap ang mga nakapangalang recipients sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act at Customs Modernization at Tariff Act.

Ililipat ng kustodiya ang mga nakumpiskang iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Show comments