^

Metro

Pina-contempt ng Quad Com Ex-Mandaluyong City Police magpa-Pasko, Bagong Taon sa kulungan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malamang na sa detention cell na ng Kamara magdaos ng Pasko at Bagong Taon si PCol. Hector Grijaldo, dating hepe ng Mandaluyong City Police na pinatawan ng contempt at ipinaaresto dahilan sa apat na beses na pangi-isnab sa pagdinig ng Quad Committee.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Quad Comm nitong Huwebes, hindi na naman sumipot si Grijaldo na walang matibay na katwiran sa kaniyang hindi pagdalo para sagutin ang katanungan ng mga mambabatas.

Pinatawan ng contempt ng mega panel si Grijaldo sa mosyon ni Taguig City Rep. Pam Zamora matapos ipag­bigay alam ng mga abogado nito sa mega panel na may dinaramdam umanong pananakit sa kaniyang balikat si Grijaldo. Agad naman itong senegundahan ni Quad Comm Chairperson Robert Ace Barbers at ng lahat ng mga mi­yembro ng mega panel.

Ang Quad Comm ay nag-iimbestiga sa mga kaso ng  extra judicial killings (EJK), illegal drugs sa madugong drug war ng nakalipas na admi­nistrasyon na ikinasawi ng libong pinaghihinalaang drug personalities at illegal na operasyon ng Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGOs).

Si Grijaldo ay una nang inakusahan ng coverup sa kaso ng ambush slay kay dating Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga sa Mandaluyong City noong Hulyo 2020 na ang itinurong mastermind ay si dating PCSO Manager Col. Royina Garma.

Inakusahan naman ni Grijaldo ang Quad Comm sa pagharap nito sa Senado na pinuwersa umano siya ng Quad Comm upang kumpirmahin ang testimonya ni Garma na nagtuturo kay dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng pagkamatay ng mara­ming pinaghihina­laang drug personalities sa madugong drug war kaugnay ng umiiral na reward system sa mga opisyal at miyembro ng pulisya na makakapatay ng drug suspect.

Matapos namang patawan ng contempt  ay nag-adopt ng mos­yon ang mega panel na ipinaaresto si Grijaldo at ipinagutos din itong ikulong sa detention cell ng Batasang Pambansa.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with