^

Metro

Sasakyan ni Rep. Castro pinaputukan ng Taguig police

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naalarma si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party­list Rep. France Castro matapos na magpaputok ng baril ang ilang kasapi ng Taguig City Police sa harapan ng kaniyang behikulo sa nasabing lungsod nitong Miyerkules ng gabi.

Sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara, ibinahagi ni Castro ang kanyang naramdaman nang magpaputok ng baril ang mga pulis kaya napilitan siyang dumapa.

Ayon kay Castro, ga­ling siya sa isang event sa Bonifacio Global City at pauwi na sakay ng kanilang behikulo nang mangyari ang insidente sa gitna umano ng trapiko.

Inamin ni Castro na nakaramdam siya ng takot lalo na at kritiko siya ng maraming isyu tulad ng paglabag sa karapatang pantao, extra judicial killings ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod dito ay ang kontrobersiyal na isyu ng confidential funds sa ilalim ng tanggapan ni Office of the Vice President Sara Duterte at Department of Education (DepEd) ng panahong ito pa ang Kalihim ng ahensiya na umaabot ng P 612.5 milyon at target ng red tagging.

Samantala, pinaiimbestigahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, PBrigadier General Anthony Aberin impormasyon na walang ginawang report ang Makati City Police Station hinggil sa insidente.

Pansamantalang sinibak sa pwesto ang Chief of Police ng Makati City Police Station, Police Commander ng Sub-Station 6 at ang mga tauhan na direktang sangkot sa insidente upang bigyang daan ang walang kinikili­ngan na pagtatanong.

CAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with