MANILA, Philippines — Pormal nang tinanggap ng Caloocan City sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang ika-8 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang SGLG ay pagkilala sa mga LGUs sa kanilang pamamahala kabilang ang financial housekeeping, disaster preparedness, business competitiveness, proteksyong panlipunan, at kaligtasan ng publiko.
Nabatid na ang Caloocan LGU ay isa lamang sa dalawang LGU na nakatanggap ng walong magkakasunod na parangal simula nang ipatupaf ng DILG ang nasabing programa.
Kasabay nito, lubos naman ang pasasalamat at pagbati ni Malapitan sa kanyang mga kasamahan at kawani ng city hall.
“Ang SGLG ay patunay ng ating maayos, tapat, progresibo, at taos-pusong paglilingkod sa mga Batang Kankaloo, kaya naman alay po naming lahat sa inyo ang parangal na ito,” ani Malapitan.
Tiniyak ni Malapitan na magsisilbing inspirasyon sa kanila ang SGLG upang pag-ibayuhin pa ang pagseserbisyo sa lungsod.