Police visibility ngayong Holiday Season sa CAMANAVA area, sapat - NPD chief

Ayon kay Ligan, bagama’t inaasahan ang kaliwa’t kanang mga selebrasyon, nakaantabay pa rin ang mga pulis sa lugar upang masiguro ang kaligtasan ng publiko. Naglabas na rin siya ng kautusan sa kanyang apat na chief of police para sa police visibility.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni  Northern Police District (NPD) Director PCol. Josefino Ligan na sapat  ang ikakalat nilang mga  pulis sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area kasabay ng pagdiriwang ng  Kapaskuhan.

Ayon kay Ligan, bagama’t inaasahan ang  kaliwa’t kanang mga selebrasyon, nakaantabay pa rin ang mga pulis sa lugar upang masiguro  ang kaligtasan ng publiko. Naglabas na rin siya ng  kautusan sa kanyang  apat na chief of police para sa  police visibility.

Kasabay ng isinagawang  Christmas Lighting Ceremony sa NPD Headquarters nitong Biyernes, sinabi ni Ligan na ang Pasko ay mananatiling simbolo ng  pag-asa, pagkakaisa at kasiyahan ng bawat Pilipino.

Ani Ligan, kaisa ng mga residente ng CAMANAVA ang mga pulis  na 24/7  na magsasagawa ng pagpapatrol sa mga lansangan partikular sa mga matataong lugar.

Sa  katunayan, nakikipag-ugnayan sila sa  mga negosyante o may-ari ng mga establisimyento upang maiwasan ang anumang  krimen ngayong Holiday Season.

Show comments