Dalawang most wanted sa rape case, timbog

MANILA, Philippines — Magkasunod na naaresto sa hiwalay na operasyon ng pulisya ang dalawang akusado sa panggagahasa na kapwa kabilang sa Most Wanted Person ng Southern Police District (SPD), sa Las Piñas City, Linggo ng umaga.

Si alyas “Edison”, 27,  ay nadakip alas-7:20 ng umaga sa isinilbing warrant of arrest ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station, na inilabas ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Nerina C.M. Anastacio Mendinueto ng Branch 199, sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa..

Unang nadakma ng mga tauhan ng Las Piñas Police ang kasabwat ni alyas Edison na si alyas “Dexter”, 24, dakong alas-7:00 ng umaga sa bisa rin ng inilabas na arrest warrant ni Judge Mendinueto na wala ring inirekomendang piyansa.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director PBGen. Bernard Yang,  mananatili pansamantala sa custodial facility ng Las Piñas Police Station ang dalawa habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanila sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Show comments