2 sugarol arestado sa boga

MANILA, Philippines — Dinakip ng ­Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang sugarol na nakum­piskahan pa ng baril sa isinagawang operasyon sa Quezon City.

Ayon kay QCPD director, PCol. Melecio M Buslig, Jr., naaresto ng Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim ni Lt. Col. Ramon Czar Solas ang mga suspek na sina Pee Jay Palima, 25, residente ng Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City at Ro­derick Jorda, 39, ng Brgy. 148, Pasay City.

Batay sa ulat, alas-8:40 ng gabi noong Huwebes, nahuli ang dalawang suspek sa anti-criminality operation habang nagsusugal ng “cara y cruz” sa Oxford St., Brgy. E. Rodriguez Sr., Cubao.

Bukod sa mga gambling paraphernalia, nakapkapan din ng pen gun at  isang piraso ng .38 caliber ammunition si Palima.

Kakasuhan ang mga naarestong suspek sa paglabag sa P.D. 1602 o Ilegal gambling.

Sasampahan din ng karagdagang kaso ng paglabag sa R.A. 10591 o mas kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Palima,

Show comments