MANILA, Philippines — Inaresto ng National Bureau of Investigation -National Capital Region (NBI-NCR) sa pamumuno ni NBI Director Judge Jaime Santiago (Ret.), ang apat (4) na indibidwal na kinabibilangan ng isang dating sundalo ang nadakip sa iligal na pagbebenta ng high-powered firearms, sa Parañaque City, iniulat kahapon.
Ayon kay Director Santiago, nakatanggap ang NBI-NCR ng ulat tungkol sa isang grupo na nag-ooperate ng iligal na pagbebenta ng high-powered firearms sa NCR at mga kalapit na lugar.
Isinagawa ang entrapment operation ng mga operatiba ng NBI-NCR noong Nobyembre 28, 2024 sa Asiana Square, Parañaque City, kung saan dalawang (2) M14 Cal. 5.56 rifle binibili ng poseur-buyers sa halagang P290,000.00.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina Jerome Nuyque, Maximo Ayawon, Michael Douglas Loleng at Nilo Barnacha na nagbenta ng 2 high powered firearms.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang Daniel Defense M4 Carbine Cal. 5.56mm na may serial number SN 527520; isang Bushmaster Cal. 5.56mm na modelong xm15-E2S na may SN L548760; apat 5.56mm magazine; 20 live ammunitions ng cal. 5.56mm; isang itim na rifle tactical bag; dalawang dusted 1,000 peso bill kalahok sa boodle money na ginamit sa buy-bust; isang Shooters Cal. 45 pistol na may SN M04184865; 12 Cal. 45 live na bala; isang CZ pistol Cal. 6.35 browning; at anim na 6.35mm na live ammunition.
Isa sa apat na suspek ang nakumpirma sa ginawang validation na dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).