DA at DOLE kapit-bisig para sa Kadiwa ng Pangulo

MANILA, Philippines — Lumagda sa isang memorandum of understan­ding sina Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. at Labor Sec. Bienvenido Laguesma para palakasin pa ang Kadiwa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Laurel na sa ilalim ng kasunduan ay  magbibigay ang DOLE ng manpower para naman mapalawak pa o maparami pa ang Kadiwa Centers sa bansa para maparami rin ang  job opportunities.

Anya nasa 1,500 Kadiwa centers ang target nilang mapatayo sa buong bansa kaya’t mala­king tulong dito ang DOLE  para mapaigting ang programa.

Sinabi naman ni Sec Laguesma na magbibigay din sila ng technical assistance sa mga magsasaka at mangingisda at bibigyan sila ng pagkakataon na makapasok sa Kadiwa ng Pangulo kung saan nabibili ang abot kayang mga pagkain.

Show comments