Mandaluyong LGU, 100 porsyento sa child-friendly local governance audit
MANILA, Philippines — Nakatakdang gawaran ang Mandaluyong City Government ng ‘Seal of Child Friendly Local Governance (SCFLG)’ matapos na makamit ang 100% rating sa ginawang Child Friendly Local Governance Audit (CFLGA) 2024 ng Council for the Welfare of Children (CWC).
Ayon kay CWC Undersecretary Atty. Angelo Tapales, isa ang Mandaluyong sa anim na local government unit (LGU) sa buong bansa ang mayroong 100% rating sa CFLGA.
Labis namang ikinatuwa nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos at ng Sangguniang Panlungsod ang bagong parangal na nakamit bunsod ng tulung ng LGU at ng Mandaleño.
Sinabi naman ni Vice Mayor Menchie Abalos, bilang isang Child-Friendly City, patuloy silang gumagawa ng mga programa para mabantayan ang karapatan ng bawat kabataang Mandaleño.
Kabilang dito ang BALISA (Bantayan at Alamin ang Laman ng Isip at Saloobing may Alinlangan) program na tutugon sa mental health problems ng mga kabataan, at ang pagsasanay sa mga piling tauhan ng lungsod at mga child representatives.
- Latest