Harry Roque nakalabas na ng Pinas

MANILA, Philippines — Nakalabas ng bansa si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque matapos madiskubreng  notaryado mula sa Abu Dhabi ang  counter-affidavit nito kaugnay sa kasong qualified trafficking na kinakaharap sa Department of Justice (DOJ).

Ito naman ang sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon kung saan ang kontra-salaysay ni Roque ay notaryado  noong Nobyembre 29.

“A counter-affidavit was submitted by the lawyers of Harry Roque. It would appear that he had a document which was notarized, pero doon siya sa Abu Dhabi,” pahayag pa ni Fadullon, kasunod ng preliminary investigation na isinagawa sa kaso.

Kaugnay nito, sinabi ni Fadullon na magdaraos sila ng clarificatory hearing upang kumpirmahin ang kinaroroonan ngayon ni Roque, na hindi personal na dumalo sa pagdinig.

Matatandaang si Roque ay nahaharap sa isang arrest order na inisyu ng House of Representatives.

Inisyuhan na rin siya ng Immigration Lookout Bulletin Order noong Agosto.

Bukod kay Roque, akusado rin sa naturang qualified trafficking complaint sina Cassandra Li Ong, na siyang authorized representative ng POGO firm Lucky South 99, at ilan pang indibidwal.

Show comments