MANILA, Philippines — Isang retiradong sundalo ng Philippine Marines ang inaresto dahil sa pananakot gamit ang baril sa isang road rage sa Taguig City, Linggo ng gabi.
Nahaharap ang suspek na si alyas “Joseph”, 63 , sa mga reklamong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Grave Threats na inihain ng mga mga biktimang sina alyas “Cath”, 42, at alyas “Kriz” 19.
Ayon sa ulat na natanggap ni District Director, Brigadier General Bernard Yang, nangyari ang insidente alas-8:00 ng gabi nitong Disyembre 1, sa Barangay Central Signal, Taguig City.
Sa imbestigasyon, tumawid ang dalawang biktima habang tuloy-tuloy naman ang pagbusina ng suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa sigawan sila at pagsabihan ng “Anong gusto nyo P***** i** nyo! Pagpapatayin ko kayo!”
Rumesponde naman ang mga tauhan ng Barangay Central Signal at Taguig City Police Substation 6 kaya naaresto ang suspek,
Kinumpiska sa suspek ang isang gun holster na may isang Armscor Cal. .45 pistol.