Marcos, Mayor Honey namahagi ng Pamaskong regalo sa Boys’ Town
MANILA, Philippines — Namahagi sina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Manila Mayor Honey Lacuna ng maagang Pasko para sa mga wards ng Boys’ Town Complex sa Marikina, na pinatatakbo ng Manila City Government.
Nabatid na personal na nagtungo doon sina PBBM at Mayor Honey kahapon upang mamahagi ng mga regalo sa may 2,000 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo.
Nasa 4,000 packages ang ibinigay sa wards at maging sa mag-aaral at mga kawani ng Valeriano E. Fugoso Memorial School na nasa loob mismo ng Boys’ Town complex kung saan 166 ang pinagsamang bilang ng mga bata, lalaki at babe habang 415 naman ang senior citizens.
Ayon kay Manila Department of Social Welfare head Re Fugoso, na siyang nangangasiwa sa operasyon ng nasabing complex, ang mga wards na binubuo ng homeless children at nakatatanda ay tumanggap lahat ng regalo, pagkain at gamot.
Pinasalamatan naman ni Lacuna ang Pangulong Marcos sa kanyang hindi matatawarang suporta sa Lungsod ng Maynila. Aniya, malaking tulong ito city administration na nag-o-operate sa ilalim ng P17.8 billion utang na iniwan ng pinalitan niyang mayor.
Inanunsyo rin niya ang mga plano kaugnay ng kinakailangang renovations para sa nasabing complex para mas maayos na ang mga wards dito.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Vice Mayor Yul Servo, Marikina Mayor Marcy Teodoro, Marikina Congresswoman Stella Quimbo na sinamahan si Mayor Lacuna sa pagsalubong sa Pangulo at sa pamamahagi ng Christmas gifts mula sa Department of Social Welfare and Development, sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian.
Ang Boys town ay dating pasilidad para sa mga kabataan na nangangailangan ng aruga hanggang sa ito ay naging care facility na rin para sa mga bata, nakatatanda, persons with disability, at mga indibidwal na inilagay sa kustodiya ng siyudad para sa muling pakikisalamuha sa lipunan.
- Latest