^

Metro

Basurero, tinepok ng nakaaway na kabaro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang basurero ang patay nang pagsasaksakin ng lasing na kasamahan nito, sa kasagsagan ng kanilang mainitang pagtatalo sa Paco, Manila kamakalawa ng gabi.

Mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si Shepherd Mirafuentes, 36, habang nakatakas naman ang suspek na si Rolando Washington, 43, bitbit ang patalim na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PMSg Arvy Macarasig ng Manila Police District (MPD) - Homicide Section na mag-a-alas-6:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob mismo ng Pope Pius XII Catholic Center sa United Nations Avenue, sq Paco, Manila.

Nauna rito, nakita umanong nagtatalo ang biktima at lasing na suspek hanggang sa makitang hinahabol na ng huli ng kutsilyo ang biktima.

Nang makorner ang biktima, kaagad itong inundayan ng saksak ng suspek.

Matapos na mapuruhan ang target, mabilis nang tumakas ang biktima.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with