Ecstasy, cocaine, marijuana at vape oil
MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P3 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng iligal na droga ang nasamsam isinagawang buy-bust operation ng mga pulis laban sa dalawang ‘tulak’ sa Tondo, Maynila, Biyernes ng gabi.
Sa ulat, dakong alas -7:30 ng gabi ng Nobyembre 29, 2024 nang isagawa ang operasyon sa Maharlika St. panulukan ng Herbosa St. sa Tondo na nagresulta sa pagkaka-aresto kina sina alyas Yang at alyas DJ. Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Nabatid na isang regular informant ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng MPD PS-1 ang nagkumpirma na may transaksyon sila kay alyas Yang sa pagbili ng party drugs na ecstasy.
Sa pangunguna ni PCorporal Rey Palaming, naisagawa ang buy-bust gamit ang isang tauhan nila.
Ang hinihinalang 1,631 piraso ng ecstasy ay nagkakahalaga ng P2,772,700; cocaine na 45 gramo, P238,500; marjuana na 11 gramo, P1,320 at apat na disposable vape na naglalaman ng marijuana oil/juice ay may street value na P10,000.