VP Sara ‘no show’ sa NBI probe

National Bureau of Investigation
PNA / File photo

MANILA, Philippines — Hindi sumipot kahapon ng umaga si Vice President Sara Duterte sa summon ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon para sagutin ang isyu hinggil sa ginawang pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Sa halip, nagpadala na lamang ng sulat si Duterte sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Paul Lawrence Lim kung saan hinihiling nito kina NBI Director Jaime Santiago at NBI Assistant Director Glenn Ricarte na maipagpaliban ang pagdinig hinggil sa pagbabanta kina Pangulong, Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Romualdez.

Nabatid na hindi kaagad nito natanggap ang abiso ng Kamara na hindi matutuloy ang hearing hinggil sa paggamit ng Office of the Vice President sa kanilang confidential funds.

“Late na niya nalaman na canceled ang kaniyang appearance before the House committee hearing. Hindi na siya nakapunta dito and asked for a resetting,” ani Santiago.

Nais ng kampo ni Duterte na bigyan sila ng malinaw na kopya ng reklamo na naisampa sa Bise Presidente o anumang dokumento na nagpapatunay na dapat itong imbestigahan.

Sinabi naman ni Director Santiago na pagbibigyan nila ang kahilingan ni VP Sara bilang respeto sa ikalawang pinakamataas na opisyal sa bansa.

Itinakda naman ng NBI ang pagdinig sa Disyembre 11.

Show comments