200 pulis, ipinakalat sa paligid ng EDSA Shrine

Motorists experience light traffic as seen from EDSA Shrine on Wednesday, following the gathering of supporters of Vice President Sara Duterte on November 27, 2024.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Upang masiguro ang seguridad ng publiko at taga-suporta ni Vice President Sara Duterte, nagpakalat na ng 200 pulis sa paligid ng EDSA Shrine.

Ayon kay Eastern Police District Director, PCol. Villamor Tuliao, nagmula aniya ang mga contingent mula sa pinagsanib na puwersa ng EPD at Quezon City Police District.

Batay sa pinakahuling monitoring ng EPD, hindi bababa sa 100 indibdwal ang kasalukuyang nagkakampo sa likod ng EDSA Shrine at hindi na ito nadagdagan pa buhat noong Martes.

Una nang isiniwalat ni PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo na may ilang kasama sa grupo ang umaming hakot at nabayaran matapos magreklamo ang ilan sa mga ito dahil sa kulang sa napag-usapan ang kanilang natanggap.

Show comments