Higit P23 milyong shabu nasabat sa buy-bust
MANILA, Philippines — Umaabot sa higit P23 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.
Sa nasabing police operation, naaaresto naman sina alyas Abdul, 41, San Jose Del Monte, Bulacan; alyas Allan, 40; alyas Edris, 32 at alyas Penbo, 39
pawang mga residente ng Caloocan City.
Batay sa report, bandang alas-12:35 ng madaling araw nang makatanggap ng report ang pulisya hinggil sa magaganap na bentahan ng iligal na droga.
Dito ay agad na naghanda ang mga pulis at pumuwesto sa King Faisal Phase 12, Brgy. 18, Caloocan City.
Hindi naman na nahirapan ang mga operatiba at agad na nakalawit ang mga suspek.
Nakuha sa mga ito ang nasa siyam na sealed transparent plastic na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 3,420 gramo at nagkakahalaga ng P23,256,000, boodle money na tig P1,000 bill boodle money.
Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation dahil sa paglabag sa Section 5 (selling), Section 11 (possession) at Section 26 (conspiracy) ng Article II ng R.A. 9165.
- Latest