6K ambulant vendors ng lungsod pinamaskuhan ng Quezon City LGU

MANILA, Philippines — Nasa 6,000 ambulant vendors ang napamaskuhan kahapon ng mga grocery items ng pamahalaang lungsod ng Quezon.

Ang pamamahagi ay sabayang naisagawa sa iba’t ibang distrito mula Disrtict 1 hanggang District 6.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang Pamaskong Handog sa mga nabanggit ay biglang pagkilala sa kanilang patuloy na pagsuporta sa ibat-ibang mga programa ng lokal na pamahalaan.

“Ito ay isang paraan natin na mapasalamatan naman natin ang kanilang tulong at suporta sa patuloy na pag-unlad ng mga QCitizens” sabi ni Mayor Belmonte.

Tiniyak ni Mayor Belmonte na ang lahat ng tulong ay maibibigay sa mga residente ng lungsod.

Show comments