MANILA, Philippines — Dapat ipakita ng Makati LGU ang kanilang pagiging makatao bagama’t wala na sila sa kanilang hurisdiksiyon at nasasakop na ng Taguig.
Ito naman ang apela ng mga residente ng EMBO (Enlisted Men’s Barrio) barangays kay Makati Mayor Abby Binay kasabay ng pahayag na nadidismaya sila tila pagpapabaya sa kanila nito matapos ang desisyon ng Korte Suprema na ilipat sila sa hurisdiksyon sa Lungsod ng Taguig.
Una nang inirereklamo ng mga EMBO residents ang pagsasara ng mga health center sa mga barangay ng EMBO noong nakaraang taon at gayudin ang patatanggal sa ‘yellow card,’ na dati’y nagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa 10 barangay ng EMBO.
“Kung ang adhikain nila ay makatulong sa masa, dapat [mga programa nila] pang-masa. Katulad ng mga basketball courts at health centers—lahat ’yan pinasarado nila. Asan ‘yung sinabing ‘makatao’? Nawala ‘yun, kasi kung talagang makatao ka, iintindihin mo ‘yung mga taong nangangailangan talaga,” anang mga residente.
Kinondena rin ng mga residente ang umano’y paggamit ni Binay sa pangalan nina Taguig City Mayor Lani Cayetano at Senator Alan Peter Cayetano, sa kanyang pagtakbo sa senado sa susunod na taon.