LTO, NLRC kapit-bisig vs kaso sa mga motor vehicles
MANILA, Philippines — Lumagda sa kasunduan ang Land Transportation Office (LTO) at National Labor Relations Commission (NLRC) para resolbahin ang mga labor-related legal proceedings at pagdedesisyon sa mga kasong kinasasangkutan ng mga sasakyan sa bansa.
Ang memorandum of agreement ay nilagdaan nina LTO Chief Vigor D. Mendoza II at NLRC Chairperson Grace E. Maniquiz-Tan sa isang simpleng seremonya na ginawa sa NLRC office sa Ben-Lor Building Quezon City.
Sa ilalim ng kasunduan, ang NLRC ay magbibigay ng kopya sa LTO ng kanilang legal documents at makikipag-ugnayan sa ahensiya para sa verification ng anumang nakarehistrong sasakyan at pagresolba sa jurisdictional issues na kinasasangkutan ng mga sasakyan.
Nagpasalamat naman si NLRC Chairperson Tan sa pamunuan ng LTO dahil sa pamamagitan ng kasunduan ay higit na mapapadali ang verifications, final orders, decisions, resolutions at iba pang legal processes na ipinatutpad ng kanilang ahensiya.
Magkakaloob naman ang LTO ng motor vehicle information batay sa request ng NLRC Sheriff o designated personnel hinggil sa mga nakasalang na usapin ng mga sasakyan sa NLRC
Ayon kay Mendoza ang kasunduan din ay magbibigay daan sa pagsasagawa ng quarterly oversight meetings sa pagitan ng LTO at NLRC Chairperson para madetermina ang progreso ng kasunduan.
- Latest