AFP Colonel natagpuang patay, foul play sinisiyasat
MANILA, Philippines — Isang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang natagpuang patay sa loob ng kanyang quarters sa AFP Headquarters sa Camp Aguinaldo.
Si Col. Rolando Escalona, Jr., na military lawyer at miyembro ng Judge Advocate General’s Service ay nadiskubreng wala nang buhay nitong Nobyembre 22.
Kinumpirma naman ni AFP Spokesperson Col Francel Margareth Padilla ang insidente kasabay ng pahayag na nakikipagtulungan na sila sa Philippine National Police (PNP) upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ni Escalona.
Si Escalona ay may tama ng bala ng baril sa katawan kaya inaalam na rin kung iisa ang baril na nakita sa tabi nito sa kanyang tama.
Hindi umano nila isinasantabi ang foul play sa insidente kaya dapat na isagawa ang “complete at impartial investigation” sa kaso.
“We extend our deepest condolences to the family of Colonel Escalona during this difficult time. The AFP is committed to ensuring a complete and impartial investigation to shed light on this matter,” ani Padilla.
- Latest