MANILA, Philippines — Ipinagdiwang ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang ika-85 taong anibersaryo na may temang “Tayo ang QCPD: May Dangal, Disiplina at Kasanayan, Kaagapay ng Pamayanan Tungo sa Ligtas at Maunlad na Bukas” sa M.I.C.E Center, Quezon City Hall, Quezon City.
Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig Jr, patuloy pa rin nilang pangangalagaan ang kapakanan ng QCitizen sa pamamamagitan ng mas pinaigting na mga kampanya at proyekto.
Nagpasalamat at pinagkalooban ng QCPD ng Plaque of Appreciation si Mayor Joy Belmonte dahil sa patuloy na suporta nito sa mga proyekto ng QCPD at sa mismong mga pulis upang magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.
“Ang sabi nga: ‘With great power comes great responsibility.’ Kaya saktong sakto ang marching orders na binibigyang-diin ng inyong 85th Founding Anniversary: Dangal. Disiplina. Kasanayan. Mabigat na responsibilidad ang dala-dala ninyo, dahil nasa kamay ninyo ang pagsiguro na payapa at maayos ang araw-araw na buhay ng ating mga kababayan.” ani Belmonte.
Dagdag pa ng alkalde, nasa tamang direksiyon ang pamumuno ni Buslig kung saan oras- oras itong nagbibigay ng impormasyon at update sa mga nangyayari sa lungsod.