^

Metro

2 lalaking armado ng patalim, naghamon ng away timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 lalaking armado ng patalim, naghamon ng away timbog
Nakapiit na at mahaharap sa mga kasong alarm and scandal at illegal possession of deadly weapon ang mga suspek na sina Abdulhakim Langgoyoan, 21, vendor ng Sto.Niño St., Pasay City at Badron Ento, 35, ng Quirino, Surigao Del Sur.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pulis ang dalawang armadong lalaking naghahamon ng away sa kalsada sa Quiapo, Manila kahapon ng madaling araw.

Nakapiit na at mahaharap sa mga kasong alarm and scandal at illegal possession of deadly weapon ang mga suspek na sina Abdulhakim Langgoyoan, 21, vendor ng Sto.Niño St., Pasay City at Badron Ento, 35, ng Quirino, Surigao Del Sur.

Batay sa ulat ng Sta. Cruz Police Station 3 (PS-3) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Sales St., corner Paterno St., sa Quiapo.

Nauna rito, nakatanggap umano ng sumbong ang mga tauhan ng Alvarez Police Community Precinct (PCP) na may dalawang lalaking may hawak na kutsilyo at ice pick na nagwawala sa kalsada at naghahamon ng away.

Mabilis namang rumes­ponde ang mga pulis at nang mamataan ang mga suspek at kaagad na inaresto at binitbit sa presinto.

TIMBOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with