Call center agent nakuryente sa electric shaver, utas
MANILA, Philippines — Isang call center agent ang namatay matapos na umano’y makuryente sa electric shaver nitong Biyernes sa Quezon City.
Sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuang patay ang biktimang si “Vie”, 57, bandang alas -10:20 ng umaga sa loob ng kuwarto nito sa Brgy. Greater Lagro, ng nabanggit na lungsod.
Lumilitaw na nadatnan ng live-in partner ng biktima na si “Ice” na nakahandusay ito sa double deck kaya nilapitan at ginigising niya.
Subalit maging si “Ice” ay nakaramdam din ng pangunguryente. Dito na niya nakitang nakasaksak ang electric shaver na hawak ng biktima.
Dinala pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Nasa AJBA Funeral Services ang bangkay ng biktima.
- Latest