P7.8 milyong halaga ng ‘bato’ nasabat sa Caloocan
MANILA, Philippines — Arestado ang isang high value drug suspect makaraang makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P7.8 milyon sa isinagawang buybust operation nitong Biyernes ng gabi sa Caloocan City.
Sa report ni District Drug Enforcement Unit chief LtCol. Robert Sales kay Northern Police District (NPD) Director PCol. Josefino Ligan, ikinasa ang buybust operation bandang alas-9:48 ng gabi sa 549 Reparo Road, Barangay 161, Caloocan City.
Ayon kay Sales, isinailalim nila sa surveillance ang kilos ng suspek na si alyas Marlon, 39 ng Caloocan City bunsod ng tip na kanilang natanggap.
Nang makumpirma, agad na plinano ng DDEU/NPD personnel sa pangunguna ni PCpt. Reggie Pobadora, Asst. Chief DDEU at SS6 CCPS ang operasyon at nakuha ang nasa 1,150 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may standard drug price na P7,820,000.00.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165.
- Latest