^

Metro

Libong vendors, tumanggap ng maagang Pamasko mula kay Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumanggap ng maagang pamasko mula sa Quezon City LGU ang libu-libong ambulant vendors at informal workers mula  sa anim na distrito ng lungsod.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte , ang pamaskong handog ng QC LGU ay pasasalamat sa walang sawang pagtitiwala at suporta sa mga programa at adhikain ng lungsod.

Kasama sina Rep. Fanz Pumaren at District 3 Councilors Don De Leon, Chuckie Antonio, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, at Luigi Pumaren, isinagawa ni Mayor Joy ang pamamahagi ng mga grocery bag sa mga ambulant vendors at informal workers ng District 3 sa Risen Garden sa QC Hall compound.

Sa District 1 naman, nanguna si Congressman Arjo Atayde kasama sina District 1 Councilors Charm Ferrer, Doray Delarmente Joseph Juico, TJ Calalay , Bernard Herrera  at action Officer Olie Belmonte sa pamimigay ng Pamaskong handog sa may higit 1,000 tindera ng naturang distrito.

Sunud-sunod ding namahagi ang mga lokal na opisyal ng QC mula sa District 2, 4, 5 at 6 para sa mga ambulant vendors na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with