MANILA, Philippines — Nagbabala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko hinggil sa mga pekeng account sa social media ng dalawang arsobispo na ginagamit upang makapanlinlang sa panghihingi ng donasyon gamit ang dahilan na para ito sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Ibinahagi ng Archdiocese of Caceres sa CBCP website ang isang screenshot ngayong linggo ng isang pekeng Facebook account gamit ang pangalan at larawan ni Archbishop Rex Andrew Alarcon
Pinayuhan ng archdiocese ang publiko na iulat ang account bilang mapanlinlang at huwag patulan ang nasabing account dahil hindi nagso-solicit ang Arsobispo sa pamamagitan ng personal social media.
“The archbishop does not solicit funds, personal information, or any private communication through his personal social media,” ayon sa archdiocese.
Nabatid na ang official accounts ni Alarcon at ng archdiocese ay “clearly identified and verified, ayon sa CBCP.