Mayor Joy itinanghal na Digital Democracy Champion
MANILA, Philippines — Itinanghal na Digital Democracy Champion si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Digital Democracy Awards 2024 na pinangasiwaan ng Makati Business Club.
Ayon kay Mayor Belmonte, ang parangal ay mas magpapaigting pa sa pagpapatupad ng pangako para sa isang malinis na pamayanan.
“We are one with the Makati Business Club in the shared vision of promoting good governance through digital democracy. This recognition further strengthens our commitment to harnessing digital tools to foster transparency, inclusivity, and meaningful citizen participation.” dagdag ni Mayor Belmonte.
Bukod sa tinanggap na Digital Democracy Champion award, nakuha rin ng alkalde ang People’s Participation Award kumikilala sa mga natatanging Lingkod Bayan sa bansa.
Nagpasalamat si Mayor Joy sa suporta ng QCitizen at nangakong patuloy na seserbisyuhan ang mga ito.
Ani Mayor Joy, hindi lamang niya tagumpay ito kundi tagumpay ng city government at mga taong nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.
- Latest