8 focus crime sa NCR, bumaba ng 12 percent
MANILA, Philippines — Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagbaba ng 12.94% ng 8 focus crimes sa Metro Manila na resulta ng pagiging pro active na kampanya kontra-kriminalidad at mahusay na deployment ng mga kapulisan.
Nakasaad sa datos na mula Nobyembre 15 hanggang 21, 12.94% ang kabuuang pagbaba ng 8 focus crimes kumpara sa nakaraang linggo,
Sa kampanya kontra iligal na droga, 190 ang operasyon ng NCRPO, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 289 na indibidwal habang nakumpiska sa mga operasyon ang 1,586.13 gramo ng shabu; 2,317.00 gramo ng marijuana, at 172.80 gramo ng kush, na may kabuuang halaga na umaabot sa P11,518,924.
Maging ang kampanya laban sa loose firearms bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 national at local elections ay pinaigting din ng NCRPO kung saan ang 43 operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 44 indibidwal at pagkakakumpiska ng 43 na armas.
Nasa 504 indibiduwal naman ang naaresto sa kanilang kampanya naman laban sa iligal na sugal sa 206 operasyon at pagkakakumpiska ng kabuuang halagang P119,092 habang nasa 344 mga wanted sa batas din ang naaresto.
- Latest