Medical furlough ni Quiboloy pinalawig ng Korte

MANILA, Philippines — Pinahintulutan ng Pasig Regional Trial  Court ang pagpapalawig sa medical furlough ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy hanggang  Nobyembre 27, 2024.

Ang medical furlough ay bunsod ng  irregular na heartbeat at dental issues na nararamdaman ni Quiboloy.

Ayon kay  Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, may mga karagdagang medical tests pa na dapat  isagawa sa Pastor. Target nilang  matapos ang lahat ng medical test at procedure bago o hanggang Nobyembre 27.

Bago ang medical furlough, humingi rin si Quiboloy ng hospital arrest subalit ibinasura ng Pasig City court ang kanyang kahili­ngan noong Oktubre.

Si Quiboloy ay nahaharap sa trafficking case sa nasabing korte bukod pa ang hiwalay na kaso ng sexual abuse at child abuse sa Quezon City court.

Bukod pa rito ang mga kasong sexual trafficking sa Estados Unidos.

Show comments