MANILA, Philippines — Convicted si “blondie,” ang lalaking nagbebenta online ng mga “bagets”.
Ito naman ang hatol ng Manila Regional Trial Court ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group (PNP ACG).
Nabatid na hinatulang mabilanggo ng 2 hanggang 6 na taon si “Blondie” dahil sa paglabag sa Section 4(r) ng RA 11930 batay sa desisyon ng korte nitong Setyembre 24,2024.
Si Blondie, 54 ay inaresto ng Women and Children Cybercrime Protection Unit (WCCPU) ng PNP-ACG sa bisa ng cyber warrant nitong Agostot 19, 2024 sa Manila.
Modus ni Blondie na ivideo ang kanyang pakikipagtalik sa mga “bagets” kapalit ng P300.
Matapos ito ay ibebenta naman ng suspek ang mga video na may titulong “Bagets Video” sa halagang P1,000 hanggang P3,000.
Bukod sa kulong, pinagbabayad din ang suspek ng P30,000.00 civil liabilities sa dalawang menor de edad na biktima.
Naglabas din ang korte ng Permanent Protection Order laban sa suspek.
“The AlengPulis Cybersquad of the PNP ACG is dedicated to handling cases of abuse involving women and children. If you are a victim of online abuse, harassment, or exploitation, we urge you to report it to us. We are available 24/7 to assist you in seeking justice,” ani PCol. Vina Guzman, Officer-in-Charge ng PNP ACG.