MANILA, Philippines — Inihayag nina Councilors Mark Anthony Santos at Henry Medina, na kwalipikado na ang Las Piñas City na magkaroon pa ng dalawang congressional districts.
Ito’y kasunod ng paghahain ng council resolution nina Santos at Medina sa House of Representatives sa hiling na lumikha ng 2nd legislative district in Las Piñas.
“With the creation of another congressional district representation in the House of Representatives, the voice of Las Piñeros will be heard in broader arena,” ani Santos.
Noong Pebrero 12, 1997, nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang panukalang batas na nagtaas ng Las Piñas mula sa munisipalidad tungo sa isang lungsod. Isang plebisito ang ginanap isang buwan matapos aprubahan ng mga residente nito ang status ng lungsod, at ang Las Piñas ay naging ika-10 lungsod sa Metro Manila noong Marso 26, 1997.
Sa 2020 census na isinagawa ng Philippine Statistic Authority (PSA) ay nagpakita na ang Las Piñas City ay may kabuuang populasyon na 606,293. Ang populasyon na ito ay nakakatugon sa kinakailangang bilang ng hindi bababa sa 250,000 katao upang lumikha ng isa pang legislative district.
Sa ilalim ng kasalukuyang set-up, ang Las Piñas ay may dalawang distrito na kapag naghalal ng anim na miyembro ng konseho ng lungsod o Sangguniang Panlungsod mula sa 20 barangay ng lungsod, ngunit isang upuan lamang sa kongreso.