^

Metro

Metro Manila malls nag-alok ng libreng overnight parking

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila malls nag-alok ng libreng overnight parking
Undated stock photo shows the parking basement of an establishment.
Pixabay

Dahil kay Pepito

MANILA, Philippines — Bunsod ng pananalasa ng bagyong ‘Pepito’, nag-alok ng  libre parking ang tatlong malalaking malls sa Metro Manila sa mga sasakyang mai-stranded.

Ito naman ang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasabay ng ina­asahang mga pagbaha dahil sa pananalasa ni  ‘Pepito’.

Ayon sa MMDA, papayagan ng SM, Ayala at Robinson’s sa Metro Manila ang libreng overnight parking para sa mga sasakyan sa gitna ng inaasahang pagbaha sa iba’t ibang parte ng Kamaynilaan dahil sa matinding ulan na hatid ni ‘Pepito’.

Madalas na ring inaa­lok ng mga malls ang kanilang mga parking space  sa tuwing  may mga bagyo  upang maiwasang malubog sa baha ang kanilang mga sasakyan.

Batay sa  report, alas  4 ng madaling araw kahapon nang mamataan sa layong 85 kilometers northeast ng Daet, Cama­rines Norte ang bagyong Pepito habang kumikilos pa-Silangan ng Bicol region.

Sinabi  ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)  na may lakas ng hangin na 185 kilome­ters per hour (kph) ang  bagyong Pepito malapit sa gitna.

Paalala ng MMDA, huwag nang umalis ng  bahay kung hindi maha­laga ang pupuntahan at mag-antabay na lamang ng mga paalala mula sa pamahalaan.

Samantala, ininspeks­yon kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes ang mga naka-preposition na emergency vehicles at equipments, ospital at evacuation centers na gagamitin sa responde sa posibleng epekto ng bagyong Pepito.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, malaking tulong ang teknolohiyang ito para makapagbigay ng assistance sa ibang LGUs sa ibang lugar sa Metro Manila na magkukulang ng resources.

Kasama si MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana, ininspeksiyon ni Artes ang mga  MMDA assets na bahagi ng bagong programa na sinisiguro ang mas mabilis at mas maayos na responde sa tuwing may bagyo sa Metro Manila.

Madali ring matutukoy kung saan ang pinakamalapit na rescue kung may report na nanga­ngailangan ng tulong o responde.

Kabilang sa nakahanda for deployment ang 2 aluminum boats, 4 rubber boats na pinaandar ng makina, 5,000 life vests, solar-powered water purifiers, clearing equipment gaya ng mga chainsaw at rotary saw, modular tents, ambulansiya, tow trucks, rapid response vehicle, at military truck ng ahensiya sakaling kailanganin ng Metro Manila.

Fully operational at nasa good running condition ang 71 pumping stations na inooperate at minimintina ng ahensiya.

PEPITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with