Malabon LGU ‘red alert’ sa kaligtasan ng Malabueños

Satellite image of Malabon City.
Google Maps

MANILA, Philippines — Inihayag ng Malabon LGU na naka-”red alert status” na ang  Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa disaster and emergency response, gayundin sa mga kagamitan at koordinasyon  upang masiguro ang kaligtasan ng mga  Malabueños sa hambalos ni “Pepito.”

Ayon sa MDRRMO, handa na ang lahat ng kanilang mga kakailanganin  tulad ng bangka at rescue vehicles  at maging ang Command  and Communication Center at mga personnel.

“Ngayong nasa ilalim na ng Tropical Cyclone Signal No. 2 ang Metro Manila, makasisiguro ang mga Malabueño na tayo ay nakapaghanda para sa malakas na pag-uulan at sa posibleng pagbabaha na dulot ng bagyong Pepito,” ani Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.

Ang Malabon Emergency Response teams, ay kinabibilangan ng iba’t ibang city departments, Malabon City Police Station, Bureau of Fire Protection, non-government organizations, at volunteers.Ang mga ito ay 24/7 magmomonitor at tuluy-tuloy ang pagbibigay ng  sitwasyon at kaganapam sa bagyo.

Nabatid na may 13 bangka at limang tents ang inihanda ng iba’t ibang  barangay.

Nasa 13 evacuation site naman ang inihanda kabilang ang Catmon Evacuation Center, C4 Isolation Facility, at ilang mga paaralan.

“All systems go po tayo muli ngayong may bagyo na paparating. Kaya naman ho pakiusap natin sa mga mahal nating Malabueño na makipag-ugnayan kaagad sa ating lokal na pamahalaan upang kaagad na ma­bigyan ng tulong ngayong may pag-uulan. Nandito lang ang pamahalaang lungsod para umalalay sa inyo,” ani City Administrator Dr. Alexander Rosete.

Para sa anumang emergency cases, maaaring tumawag sa Malabon Command and Communication Center (8-921-6009/8-921-6029/09423729891/09190625588) or send a message via TXTMJS (09178898657) for assistance.

Show comments