6 menor-de-edad, 17 pa ibinugaw sa Maynila

Ayon kay NBI Regional Director Ferdinand Lavin, nakatanggap sila ng report sa talamak na iligal na gawain ng suspek na si “Mika”.
PNA / File photo

MANILA, Philippines — Nasagip ng  National Bureau of Investigation  (NBI) ang nasa  23 kababaihan na kinabibilangan ng anim na menor-de-edad na babae, mula sa pambubugaw na ang mga kliyente ay mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO sa Tondo, Maynila.

Ayon kay NBI Regional Director Ferdinand Lavin, nakatanggap sila ng report sa talamak na iligal na gawain ng  suspek na si “Mika”.

Modus  ng  suspek na i-post sa social media ang mga maseselang litrato ng mga biktima saka papupuntahin sa resort kung saan sila inilalako sa mga parokyano.

Ang mga biktima, pinagsu-swimming pa para pagpilian ng mga dayuhang parokyano.

Umaabot sa  P10,000 hanggang P15,000 ang ibinabayad ng mga Chinese  para sa serbisyo ng mga biktima.

Sinabi naman ni  NBI agent Jerome Hernandez na mula sa Pasig, Caloocan, Quezon City at sa Pampanga ang mga biktima na ibinibenta sa  iba’t ibang lahi partikular sa mga Chinese.

Agad na  inaresto si “Mika” nang tanggapan ng  marked money.

Nasa pangangalaga ngayon ng DSWD ang ilan sa mga nasagip na menor-de-edad, habang posibleng maharap sa mga reklamo ang suspek.

Show comments