MANILA, Philippines — Dahil sa ipinakitang dedikasyon bilang isang lingkod bayan, pinarangalan muli si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang regional winner at semifinalist para sa national level ng Presidential Lingkod Bayan Award.
Tinanggap ni Belmonte ang parangal mula sa Civil Service Commission kasama ang kanyang ama na si dating Mayor at House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte.
“Lubos tayong nagpapasalamat sa CSC-NCR sa pagkilalang ito na nagpapatibay na ang ating mga proyekto’t programa para sa mga QCitizens ay tunay na epektibo.This will further inspire us to continue striving for good governance and excellence in public service,” ani Mayor Joy.
Ayon sa CSC-NCR, napili si Belmonte dahil sa kanyang exemplary work ethic at professionalism at nagsilbing halimbawa para makamit ang tagumpay sa pagganap hinggil sa community green at environmental initiatives na kanyang pinangunahan.
Ilan taon ding kinilala si Belmonte bilang regional winner at national semifinalist para sa Presidential Lingkod Bayan Award dahil sa kanyang commitment na protektahan at pangalagaan ang karapatan ay kapakanan ng mahihirap na mamamayan laluna ng mga kabataan at kababaihan.
Ang Quezon City ang nag-iisang LGU sa NCR na nakakuha ng tatlong parangal kabilang ang Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia at Quezon City University (QCU) President Dr. Theresita Atienza ay kinilala bilang CSC Pag-asa Awardees.