^

Metro

DA inalis na import ban sa ibon, produktong manok mula Denmark

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggal na ng Department of Agriculture ang halos dalawang taong pagbabawal sa importasyon ng domestic at wild birds, kabilang ang mga poultry product mula Denmark.

Sa Memorandum Order No. 50 na inilabas noong Martes, inanunsyo ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr.. inalis na ang pansamantalang import ban matapos ipaalam ng Danish Veterinary and Food Administration sa World Organization for Animal Health na naresolba na ang lahat ng kaso ng highly pathogenic avian influenza sa Denmark,

Wala na ring naitalang karagdagang outbreak simula noong Setyembre 12, 2024.

Matatandaang  ipinatupad ng DA noong Disyembre 2022 ang temporary ban sa pag-iimport ng domestic and wild birds at kanilang mga produkto, kabilang ang karne ng manok, day-old chicks, itlog, at semilya, matapos ang mga ulat ng outbreak ng avian flu sa Denmark.

Ang pagbabawal ay ipinatupad upang maprotektahan ang mga konsyumer at ang lokal na industriya ng manok.

Binigyang-diin  din n Laurel na lahat ng importasyon ay dapat sumunod sa mga regulasyon at guideline ng Departamento tungkol sa importasyon ng produktong pang-agrikultura.

 

DENMARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with