Bagong regulasyon sa towing at impounding sa Metro Manila aprub sa MMC

Napapaloob sa Revised MMDA Regulation No. 24-004 na gawing propesyunal at pagsasama-samahin ang mga pamamaraan sa paghatak at pag-impound ng mga ilegal na nakaparada at nakahambalang na mga sasakyan sa Metro Manila.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Aprubado na ng Metro Manila Council (MMC) ang isang regulasyon ng mga binagong alituntu­nin tungkol sa towing at impounding operations ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa National Capital region (NCR).

Napapaloob sa Revised MMDA Regulation No. 24-004 na gawing propesyunal at pagsasama-samahin ang mga pamamaraan sa paghatak at pag-impound ng mga ilegal na nakaparada at nakahambalang na mga sasakyan sa Metro Manila.

Ayon kay Artes, isa sa mga regulasyon sa mga nakaparadang sasakyan ay ang pagbibigay ng opsyon sa mga may-ari na dalhin ang sasakyan sa kanilang mga tahanan, sa auto repair shops o gasoline stations sa halip na awtomatikong i-impound at dalhin sa Tumana impounding site sa Marikina City. Nakapaskil din sa sasakyan ang towing charges.

Isang towing service company sa bawat sektor lamang ang pipiliin sa pamamagitan ng bidding process.

Para sa layunin towing guidelines, ang Metro Manila ay mahahati sa limang secktor: North, East, West, South, at Central. Kasama rin dito, bukod sa iba pa, ang mga tow truck na pinatatakbo o pagmamay-ari ng mga repair shop ng sasakyan, mga business establishment, transport group, public utility companies at pribadong club, grupo o asosasyon.

Show comments