Poultry products mula Japan at Austria, ban sa Pilipinas

Paliwanag ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., layon ban na maingatan ang local poultry industry mula sa posibleng pagkahawa ng naturang mga hayop.
AFP, file

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng poultry products gayundin ang mga domestic at wild birds mula sa bansang Austria at Japan dahil sa ulat na outbreaks ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa naturang mga bansa.

Paliwanag ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., layon ban na maingatan ang local poultry industry mula sa posibleng pagkahawa ng naturang mga hayop.

Una nang iniulat ng Japan’s Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries na may outbreak nh H5 subtype ng bird flu sa Atsuma, Hokkaido sa World Organization for Animal Health (WOAH) na nagsimula noong October 16, 2024

Iniulat naman ng Austria’s Vice-President of the Regional Commission sa WOAH anhb outbreak ng bird flu subtype sa Mattighofen, Braunau am Inn, Oberosterreich na nagsimula noong October 7, 2024.

Dulot ng ban, hindi muna mag-iisyu angBureau of Animal Industry (BAI) ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa domestic at wild birds, poultry meat, day-old chicks, eggs at semen para sa artifici insemination ng manok.

Show comments