MANILA, Philippines — Isa nang lisensiyadong Nutritionist-Dietitian si Kyla Merynne Rose S. Layson, anak ng Magsasakang Reporter na si Mer Layson matapos makapasa sa PRC Board Examination.
Si Kyla na graduate at Cum Laude ng UP Los Baños sa kursong Bachelor of Science in Nutrition ay panganay sa tatlong anak Mer at Mary Ann, na isa ring mamamahayag.
Dati ring A-1 child ng buong Nueva Ecija si Kyla sa day care pa lamang habang nag Top 8 naman sa Junior High School at with Honors noong Grade 12 sa Adamson University hanggang sa pinalad na makapasok sa UPLB at nakapagtapos na may Latin honors noong Hulyo 2024.
Sa inilabas namang resulta ng PRC nitong Martes, Nobyembre 12, nakasama rin si Kyla sa 843 examinees na matagumpay na pumasa sa 2024 Nutritionist-Dietitian Licensure Examination na idinaos noong Nobyembre 6-7, 2024.