MANILA, Philippines — Pinarangalan at kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang limang barangay sa Lungsod ng Mandaluyong dahil sa kanilang mahusay na pagsasagawa ng barangay clearing operations (BARCO) sa kanilang mga nasasakupan.
Nanguna dito ang Barangay Namayan na tumanggap ng pagkilala at ng P7,000 na cash incentive.
Nakatanggap din naman ng parangal at pagkilala ang Barangay Wack-Wack, na siyang tinanghal na first-runner up.
Gayundin ang New Zaniga, na nakakuha ng 2nd Runner-up; Vergara na nakapuwesto bilang 3rd Runner-up at Old Zaniga na tinanghal bilang 4th Runner-up.
Labis namang ikinatuwa nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang pagkilala sa mga barangay dahil sa kanilang husay sa clearing operations, na isa sa tatlong component projects sa ilalim ng Kalinga at Inisyatiba Para sa Manilnis na Bayan (KALINISAN) sa Bagong Pilipinas Program para sa 2nd Quarter CY 2024.