MANILA, Philippines — v
Ayon kay QCPD Officer-in-Charge PCol. Amante B Daro, mula Nobyembre 5 hanggang 11 ay may kabuuang 500 tauhan ng QCPD ang na-deploy at nag-set up ng 172 PADs sa mga estratehikong lokasyon, kabilang ang mga pasukan ng paaralan upang magbigay ng agarang suporta.
Bilang karagdagan sa mga PAD na ito, nagsagawa ang QCPD ng 204 na aktibidad sa seguridad, kabilang ang mga foot patrol upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at protektahan ang mga ari-arian ng paaralan.
Layon ng programang ito na maging ligtas ang kapaligiran ng mga mag-aaral, mamonitor ang anumang aktibididad ng mga kriminal na malapit sa mga paaralan at palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga awtoridad, paaralan, at komunidad.
“We are dedicated to providing a safe and supportive environment for the academe for we believe that the youth is the hope of our future,” ani Daro.