PDEA agent dumaan sa EDSA Busway buking

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi kukunsintihin ang kanilang mga tauhan napaulat na dumaan sa EDSA Busway nitong Martes ng umaga.

“The agency will not condone such action. An internal investigation is underway and rest assured that administrative sanctions await the violator,” nakasaad sa press statement ng PDEA kahapon.

Lumilitaw na hinarang at tinikitan  ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang sasakyan umano ng PDEA matapos mahuling pumasok sa EDSA busway.

Bukod pa dito, nadiskubre ng mga tauhan ng SAICT na peke ang lisensya ng driver na nagpakilalang taga-PDEA at hindi rin rehistrado ang sasakyan.

Maging ang naka-convoy na motorsiklo na pag-aari rin umano ng ahensiya ay tiniketan din ng SAICT.

Paliwanag ng driver napilitan silang dumaan sa busway ay dahil may operasyon umano sila.

Gayuman, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) at SAICT na hindi ito sapat na dahilan.

Nakatakda namang mag-isyu ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order laban sa driver ng PDEA at mga kasamahan nito na lumabag sa batas.

Show comments